rebelyon

Kasong rebelyon ni Trillanes, buhay na buhay pa -DOJ

National News

IGINIIT ng Department of Justice na buhay na buhay pa ang kasong rebelyon ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ito’y ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra matapos katigan ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang urgent motion ng DOJ.

Ang mosyon na maglabas ng arrest warrant at Hold Departure Order (HDO) laban sa senador.

Ang kasong rebelyon ni Trillanes ay may kaugnayan sa pagkubkob ng grupong Magdalo at ilang mga sundalo at junior officers.

Naganap ang pagkubkob sa Oakwood Hotel noong 2003 at Manila Peninsula hotel noong Nobyembre 2007.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *