narekober na bangkay

Mga narekober na bangkay sa Naga landslide, umabot na sa 64

Regional

UMAKYAT na sa 64 ang bilang ng mga narekober na bangkay sa landslide sa Sitio Sindulan, Barangay Tinaan sa Naga City, Cebu.

Nasa 18 ang naitalang nasugatan sa insidente habang 28 ang nawawala.

Wala nang indikasyon na may buhay pa sa landslide area matapos ang ikatlong beses na quick and response assessment.

Ayon ito sa pahayag ni Cebu Disaster Office head Baltazar Tribunalo.

Inirekomenda na rin aniya kay Naga City Mayor Kristine Chiong na ideklara ang search and retrieval operations sa lugar.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *