Anthony Davis

Pelican Anthony Davis, siya raw ang pinakamagaling sa NBA

Sports

MATAAS ang kumpiyansa ni New Orleans Pelican star player Anthony Davis na siya ang pinakamagaling na manlalaro sa NBA.

Ito ay matapos ang matapang na pahayag ni Davis sa naging post nito sa New Orleans Pelican official Twitter account.

Paniniwala pa nito na hindi siya papangalawa sa kahit sino mang manlalaro maging sa kasamahan nitong mga superstar sa Western Conference.

Kabilang sina reigning MVP James Harden at ang bagong LA Lakers cornerstone na si Lebron James.

Sa pang-pitong season na paglalaro nga ng 25 anyos na si Anthony Davis ay wala ng makakapagpabago pa ng kaniyang mindset.

Samantala, si Anthony Davis ay napangalanan nga din na All-NBA First Team at All-Defensive First Team last season.

Matapos pangunahan ang Pelicans sa second round ng playoffs.

Nakapag-averaged naman si Davis last season ng 28.1 points on 53.4 percent shooting, 11.1 rebounds,2.3 assists, 2.6 blocks at 1.5 steals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *