Manila Water

Manila Water, may dagdag presyo sa singil ng tubig sa Oktobre

Metro News

ASAHAN na ng mga konsyumer ng Manila Water ang dagdag-presyo sa singil ng tubig sa Oktubre.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa adjustment para sa mandatory rate rebasing ng Manila Water.

Dahil dito, P1.64 ang itataas sa kada cubic meter, simula sa October 16.

Bahagi ito ng kabuuang P6.22 hanggang P6.0 sa kada cubic meter increase na uutay-utayin sa susunod na apat na taon.

Bilang parte ito ng mandatory five-year rate rebasing para sa concessionaires.

Pagsapit naman ng Enero 2020 at 2021 ay ipatutupad ang P2 dagdag-singil sa bawat cubic meter.

Habang P.76 hanggang P1.04 ang itataas sa kada cubic meter sa taong 2022.

Samantala, ipinagtanggol ng MWSS ang pag-apruba ng water rate hikes sa Metro Manila.

Sinabi ng MWSS na matagal na itong dapat naipatupad dahil masyado ng mababa ang sewerage coverage na 14 percent.

Apektado na rin anila ang cash flows ng water concessionaires.

Paliwanag ng MWSS, ang implementasyon ng dagdag-singil sa tubig ay uutay-utayin hanggang taong 2022.

Para maibsan ang pasanin ng mga konsyumer sa epekto ng pagbilis ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *