Netherlands

Major terrorist attack sa Netherlands naudlot

International News

PITONG hinihinalang terorista ang arestado matapos mahuling naghahanda para sa isang major terrorists attack sa Netherlands noong Huwebes.

Ayon sa kapulisan, balak ng mga suspek na isagawa ang pag-atake gamit ang explosive belts, assault rifle, hand guns, granada at bomba.

Target umano ng mga terorista na pasabugin ang isang malakihang pagtitipon sa Netherlands.

Isang twin attack kung saan maliban sa bomba at baril ay balak din ng mga suspek na pasabugin ang ilang sasakyan sa ibang lugar gamit ang detonator.

Ayon sa mga prosekyutor, nabigyan sila tip ng ilang intelligence services noong Abril.

Tungkol sa planong malakihang pagpapasabog sa Netherlands.

Agad namang nagsagawa ng surveillance ang mga opisyal.

Natimbog ang mga suspek ng ilang special anti-terrorism teams na may kasama pang helikopter Huwebes ng hapon.

Nasa 21 hanggang 34 na taong gulang ang mga nahuling suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *