tao

Pagpapababa sa presyo ng mga bilihin, nais patutukan

National News Section

PRESYO ng mga pangunahing bilihin at umento sa sahod ang pangunahin pa ring inaalala ng mayorya ng mga Pinoy.

Nadagdagan pa ang mga Filipino na nagsabi na isang mahalagang isyu ang inflation.

Batay ito sa survey ng Pulse Asia na may petsang September 1 to 7.

Nasa 63% ng mga Pinoy ang naniniwalang kailangang tugunan ng Administrasyong Duterte ang pagtaas ng presyo ng basic commodities.

Mataas ito ng 12% mula 51% noong June 2018.

Isa rin sa isyu na nais nilang matugunan ng pamahalaan ay ang pagbuti ng sahod ng mga manggagawa.

Kungsaan ito ay nanatili pa rin sa 50% ng mga Pilipino.

Nasa 32% naman ng mga Pinoy ang naniniwala na urgent issue ang pagbaba ng kahirapan sa bansa.

Habang 30% percent ang nagsabing kailangan pang lumikha ng mas marami pang trabaho para sa mga kababayan.

Nasa 3% naman ng mga Pinoy ang nagnanais na tutukan ng pamahalaan ang pagpapalit ng Saligang Batas.

 

POL MONTIBON

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *