Red tape

Red tape, masasawata ng Ease of Doing Business Act

National News

SA kanyang SONA ngayong taon, ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan.

Na ipatupad ang 11032 o ang Act of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services.

Noong May 28, pinirmahan na ni Duterte ang batas na layong bawasan ang processing time para sa mga permits, transaksyon, at applications.

Sa pamamagitan ng batas na ito ay malabanan ang “Red Tape” sa mga ahensya ng gobyerno.

Inamyendahan ng batas ang Anti-Red Tape Act of 2007.

At sa ilalim nito, kinakailangang matapos sa 3 working days ang processing time.

Para ito sa anomang simpleng transaksyon na may kinalaman ang gobyerno.

Seven working days naman kung complex transactions at 20 working days para sa mga pangmalakihan o highly technical transactions.

Sa ilalim ng batas, otomatikong maaprubahan ang request o permit na hinihingi ng aplikante.

Kapag nabigo ang isang ahensya na masunod ang itinakdang processing time.

Kaya dahil dito, inaasahan ng Department of Trade and Industry na mas dadami ang mga negosyo at oportunidad sa bansa.

Dahil sa lalaban ng Ease of Doing Business Act ang red-tape.

Sa ilalim ng batas, ang Anti-Red Tape Authority o ARTA ang naatasang magpatupad ng batas.

Ang ahensya ang siyang magbabantay sa mga reklamo ng red-tape sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Maipapatupad na ang Ease of Doing Business Act kapag nakapagtalaga na ng pinuno si Pangulong Rodrigo Duterte sa ARTA.

At ang ARTA na ang siya namang magpapatupad ng batas.

Sa ngayon ay patuloy ang public consultation ng DTI sa buong bansa para mabuo ang Implementing Rules and Regulations sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *