quarry

Suspensyon sa 90% ng quarry operation, tinanggal na

National News Regional

TINANGGAL na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang suspensyon sa 90% ng quarry operations sa bansa.

Ito ay matapos ilabas ng Mines and Geosciences Bureau ang resulta ng isinagawang review and safety assessment sa mga quarrying operations.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, 10% na lamang ng mga quarry operations ang mananatiling suspendido.

Kabilang sa suspendido ang quarrying site sa Naga City Cebu.

Una nang sinuspinde ng DENR ang quarrying sa anim na rehiyon sa bansa kasunod ng naganap na pagguho ng lupa.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *