shortlist

Shortlist para sa susunod na Associate Justice ng Supreme Court, inilabas na

National News

NAKATAKDANG isumite ng Judicial Bar and Council o JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist o listahan ng mga aplikante para sa pagka-Associate Justice ng Korte Suprema.

Papalitan ng mapipiling opisyal ang binakanteng pwesto ni Associate Justice Samual Martirez na ngayon ay isa ng Ombudsman.

Kabilang sa listahan sina Court of Appeals (CA) Associate Justices Japar Dimaampao at Ramon Garcia na nakakuha ng anim na boto.

Kabilang din dito sina Manuel Barrios, Apolinario Bruselas Jr., at Rosmari Carandang na may tig-lilimang boto.

Tig-aapat na boto naman ang nakuha nina Edgardo delos Santos, Ramon Paul Hernando, Amy Lazaro-Javier.

Apat din ang nakuhang boto ni SC Court Administrator Jose Midas Marquez na kabilang sa naturang shortlist.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *