facebook users

Facebook users, pinayuhang palitan ang kanilang password

National News

PINAYUHAN ng National Privacy Commission (NPC) ang mga Pinoy Facebook users na palitan at gumamit ng mas secured na password.

Para hindi mahulaan kaagad ng mga hacker ang kanilang mga account.

Kasunod ito ng malawakang data breach ng social media platform noong weekend.

Kung saan sapilitang pinag-log-out ang mga user matapos magamit ng mga hacker ang access tokens ng Facebook.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, kailangang magpalit ng password na mas malakas na walong characters.

Kinabibilangan ng kombinasyon ng mga numero, letra at symbols ang dapat na gagamitin sa ipapalit na password.

Dagdag ni Liboro, oras ang puhunan ng mga hacker sa kanilang ginagawa.

Dahil kapag may nakita silang account na mahirap i-crack ay magha-hack na lamang sila ng panibagong accounts na madaling i-break.

Nilinaw din nito na ang responsibilidad ng pagtiyak ng security ng Facebook accounts ay parehong responsibilidad ng users at ng management.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *