IED

IED, nasabat sa pampasaherong jeep sa Cotabato

Regional

NASABAT ng 90th Infantry Battalion ang isang hinihinalang improvised explosive device  o IED.

Natagpuan ito sa loob ng isang pampasaherong jeep sa checkpoint sa Barangay Polomogin, Midsayap, Cotabato.

Nadiskubre ang IED sa isang travelling bag na iniwan sa jeep na may plate number na MWA 995.

Ayon ito kay Philippine Army 6th Infantry Division Spokesperson Captain Arvin Encinas.

Hinihinalang pasasabugin ang isang compound at supermarket sa Cotabato City.

Posible aniya na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang responsable sa planong pagpapasabog.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at pagtugis sa nasa likod nito.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *