US Navy

Dating US Navy arestado sa Amerika

International News International.

ARESTADO ang isang US navy veteran matapos mapaghinalaang suspek sa pagpapadala ng mga kahina-hinalang sulat na kontaminado ng lason.

Si William Clyde Allen III, 39 na taong gulang, ay nagsilbi ng apat na taon sa navy.

Nagsilbi si Allen bilang isang damage-control fireman mula taong 1998 hanggang 2002.

Matatandaang noong Lunes ay nakatanggap ng sulat ang secret service para kay US. Pres. Donald Trump.

Nakatanggap din ng dalawang sulat ang top military officials sa Pentagon.

Hinihinalang kontaminado ng nakalalason na ricin ang mga nasabing sulat na agad inimbestigahan ng FBI.

Napag-alamang castor beans ang laman ng mga sobre kung saan nanggagaling ang lason.

Ang ricin ay pwedeng kumitil ng buhay sa loob lamang ng 36-72 oras mula maabsorb ito ng katawan.

Kalimitan din itong ginagamit ng mga terorista sa kanilang mga biktima.

Mas matindi ang epekto ng lason kapag tuluyang naproseso ang ricin sa loob ng buto ng castor beans.

Nakatakdang sampahan ng kaso si Allen ngayong Biyernes habang patuloy ang imbestigasyon ng FBI sa kaso.

 

TRISHA MOLINA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *