local government

Mga local gov’t officials na may kaso at nasa narcolist pinadidiskuwalipika

National News

PINADIDISKUWALIPIKA ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-In-Charge Secretary Eduardo Año ang mga local government officials.

Ang mga naturang opisyal ay may mga nakabinbing kaso at kabilang sa narcolist.

Sinabi ni Año na ipadadala niya sa Comelec ang mga pangalan ng mga lokal na opisyal.

Kabilang sa mga ito ay may mga kasong administratibo at kriminal para idiskuwalipika sakaling tumakbo sa halalan.

“We will submit our proposal, recommendation to the Comelec kung pwede disqualify yong mga candidates,” aniya.

Ayon kay Año, hawak niya ang listahan ng nasa 300 na mga lokal na opisyal.

Ang mga naturang opisyal ay may mga nakabinbing kaso na posibleng masuspinde at madismis sa serbisyo.

Habang nasa 93 naman ang nasa narcolist.

Aabot din sa higit 200 ang may mga nakabinbing kasong kriminal na iniimbestigahan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.

DZAR 1026

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *