Malakanyang

Malakanyang, dinipensahan ang AFP sa pahayag nito

National News

DINEPENSAHAN ng Malakanyang ang naging pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa AFP na ang cpp-npa ang nagtutulak para magdeklara ng Martial Law sa buong bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito sa alegasyon ng CPP-NPA na nasisiraan na ng ulo si Pangulong Duterte at mga minions sa AFP.

Matapos pagbintangan na sila umano ang nag-uudyok para maideklara ang batas militar dahil sa Red October ouster plot.

Bukod dito, tinawag din ng CPP na idiotic statement ang sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez.

Na umano ay nagre-recruit sila ng mga estudyante para sumali sa pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

Giniit ni Roque na dahil sa kaguluhan sa Red October plot ay umaasa ang CPP na maidedeklara ang Martial Law sa buong bansa.

Upang dahil dito ay galitin ng pangulo ang taongbayan.

Ayon kay Roque, walang dahilan para ideklara ni Pangulong Duterte ang batas militar sa buong bansa.

Dahil aniya ay nasa “under control” ang buong sitwasyon.

DZAR 1026

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *