tsunami sa Indonesia

UN, nababagalan sa relief efforts sa mga biktima ng lindol at tsunami sa Indonesia

International News

NANAWAGAN ang United Nations (UN) ng mabilis at kinakailangang tulong para sa mga biktima ng nagdaang 7.5 na lindol at tsunami sa Indonesia.

Nabatid ng UN Humanitarian Office ang mabagal na takbo ng pagresponde.

Dahil hindi pa nabibigyan ng ayuda ang malaking bahagi ng mga apektadong lugar.

Halos dalawandaang libong survivors ang nakararanas ng pagka-uhaw at gutom matapos mapinsala ang kanilang mga tahanan.

Karamihan sa mga apektadong residente ay nagnanakaw na ng mga pagkain at produkto sa mga napinsalang tindahan at supermarkets.

Sa kabila nito ay sinabi ng UN na ginagawa ng mga otoridad ang lahat ng kanilang makakaya.

Para sa relief, recovery at retrieval operations.

Pumalo na sa 1,407 katao ang bilang ng mga nasawi sa malakas na pagyanig at tsunami sa Indonesia.

DZAR 1026

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *