libreng sakay

MRT at LRT may libreng sakay para sa mga guro ngayong araw

Metro News

BILANG pakiisa sa taunang paggunita ng World’s Teachers Day ngayong araw, may handog na libreng sakay ang LRT at MRT.

Sa abiso ng pamunuan ng LRT-2, mula 4:30 ng madaling araw hanggang 10:30 ng gabi ay libre ang mga guro na sumakay ng kanilang mga tren.

Habang mula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi naman ang libreng sakay sa MRT.

Kinakailangan lamang na magpakita ng school o faculty ID, DepEd ID o PRC Licensed ID.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *