salary scheme

Salary scheme para sa mga PUB drivers at konduktor, pinuna

Metro Manila

MAGIGING epektibo ba kaya ang bagong sistema ng pasahod sa mga driver at konduktor ng mga public utility bus?

Ito ang tanong ng isang pro-commuter group hinggil sa fixed rate salary scheme sa mga public utility bus drivers at mga konduktor.

Wala umanong nakikitang kaibahan sa naturang sistema ng pasahod sa mga bus drivers sa nakasanayan nang sistemang boundary system.

Ayon ito kay Atty. Ariel Inton, namumuno ng Lawyers for Commuter Safety and Protection.

Kamakailan lang ay ibinasura ng Korte Suprema ang pagkuwestyon ng mga bus operators.

Kaugnay sa Department Order 118-12 ng DOLE noong 2012 at ang LTFRB Memorandum Circular 2012-001.

Sasahod na ang mga bus drivers at mga konduktor ng gaya ng mga ordinaryong manggagawa kasama na ang iba pang mga benipisyo.

Ayon ito sa ilalim ng naturang kautusan ng DOLE at LTFRB.

Pero hindi pa rin maiiwasan dito ang pagbibigay ng insentibo ng mga operators.

Sakaling makarami ng pasahero ang mga drayber at konduktor ng bus.

 Isinusulong ang naturang sistema sa layuning maiwasan na ang aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga bus.

Dahil sa pag-uunahan na makakuha ng maraming pasahero para makalaki sa kita.

 Naniniwala si Inton na may contributing factor sa mga aksidente ang boundary system.

Dahil sa pag-uunahan ng mga driver na makakuha ng maraming pasahero.

 Pero magiging maganda aniya ang resulta kung ang fixed rate na sahod ng mga driver at konduktor ay katumbas ng kanilang sinasahod sa boundary system.

Na aniya ay malabong mangyari dahil posibleng mawawalan naman ng kita ang mga operators.

 Samantala may solusyon namang inilatag ang Lawyers for Commuter Safety and Protection.

Para kundi man maiwasan ay mabawasan ang mga kaskaserong driver.

Ito ay ang paghihigpit sa pagbibigay ng mga lisensya sa pagmamaneho.

Kung saan ang mga karapat dapat o mga nakapasa sa panuntunan lamang ang dapat mabigyan.

Dapat ding matugunan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Dahil aniya sa trapik hindi nakakarami ng biyahe ang mga driver kaya’t nag-uunahan sila na makarami ng pasahero.

 

Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *