ghost project

Ghost project sa Ilocos Sur, pinaiimbestigahan kay Duterte

Regional

PINAIIMBESTIGAHAN ng grupo ng mga magsasaka kay Pangulong Rodrigo Duterte ang “ghost project.”

Ang naturang ghost project ay pinondohan mula sa Tobacco Excise Tax sa Ilocos Sur.

Sinabi ng Federation of Tobacco Growers in Ilocos Sur na halos kalahating bilyon ang ipinondo rito para sa Farmer’s Convention Center (FCC) sa Vigan, Ilocos Sur.

Ayon sa grupo, wala pa sa sampung porsyento ang natatapos sa proyekto simula ng i-award ang kontrata noong 2008.

Nanawagan din ang grupo ng mga magsasaka sa kongreso at sa commission on audit na imbestigahan ang nasabing isyu.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *