Land Use Program

Land use program sa bansa, panahon na para ipatupad

National News

 

DAPAT ng ipatupad ng pamahalaan ang land use program.

Ito ang mariing iginiit ni Albay Congressman Joey Salceda kasunod ng tala ng Philipine Statistics Authority.

Kung saan umabot na sa pinakamabilis na pagtaas sa presyo ng bilihin nitong Setyembre sa 6.7 percent.

Pinakamataas ito na inflation ng bansa sa nakalipas na siyam na taon.

Ayon kay Salceda, kailangang paigtingin ng pamahalaan ang programang pang agrikultura sa bansa bilang ang Pilipinas ay isang agricultural country.

Dapat din aniyang suportahan ang mga magsasaka gaya ng subisidiya sa palay at iba pang benepisyo.

Kung matutugunan aniya ang kakulangan ng suplay ng bigas at iba pang-agri products ay tiyak na mapababa ang inflation.

Magugunita na sa datos ng PSA, ang food at non-alcoholic beverages ang may pinakamataas na contribution factor sa pagtaas ng inflation.

Samantala, ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, panahon na aniya na pansinin na sila ng Duterte Administration.

Kaugnay sa kanilang panawagan na gawing P500 ang subsidiya ng lahat ng minimum wage earners sa bansa.

Lalo pa aniyang sumidhi ang panawagan ngayon ng mga maliliit na manggagawa sa bansa dahil sa pagsirit ng inflation.

Inaasahan ng grupo na magiging makabuluhan ang magiging usapan nito sa pangulo bukas.

Kasabay nito ang isang Emergency Council Meeting ng lahat ng miyembro ng TUCP para sa programang ipakikiusap nito kay Pangulong Duterte.

Pol Motibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *