repair maintenance

Mga repair maintenance ng DPWH, ipagbabawal sa MMDA

Section

IPAGBABAWAL na ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang pagsasagawa ng repair maintenance ng DPWH.

Magsimula ito sa November 5 hanggang January 14 sa susunod na taon.

Ito ang isa sa lumabas ng isinagawang pag-uusap ng pamunuan ng MMDA, mall owners at DPWH.

Para bigyang daan ang posibleng masikip na daloy ng trapiko ngayong papalapit na ang panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay General Manager Jojo Garcia, kailangan muna ng maayos na koordinasyon sa pagitan ng MMDA at DPWH.

Kung papayagan nito ang anumang road repairs o maintaince ng DPWH sa mga lugar kung saan may nakatayong mall.

Ilan sa mga lugar na pagbabawalang magkaroon ng repair works ang EDSA, Commonwealth, Libis at Marcos Highway.

Pero paglilinaw ng MMDA, hindi kasama dito ang napapasailalim na proyekto sa Build Build Build Program ng pamahalaan.

Para di maantala ang inaasahang petsa ng pagtatapos ng mga ito.

Samantala, napagkasunduan na din ng MMDA at mall operators sa muling pagpapatupad ng mall hour scheme.

Sa halip na 10:00 ay 11:00 na ng umaga magbubukas ang mga ito.

Ayon kay Garcia, malaki ang maitutulong nito para makaiwas sa trapiko lalo na tuwing rush hours.

 

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *