andaya

House majority leader Andaya, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

National News

SINAMPAHAN ng Truth and Justice Coalition sa Ombudsman si House Majority Leader Rolando Andaya.

Kaugnay ito sa kasong paglabag sa RA 6713 or SALN Law.

Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica, hindi tugma ang 2016 at 2017 SALN ni Andaya sa mga yaman nito.

Base raw kasi sa lifestyle check na ginawa nila magarbo ang pamumuhay ng majority leader.

Hindi umano ito tugma sa deklarasyon ng kanyang SALN.

Mayroon din aniya itong mga properties o ari arian, at mga sasakyan.

Meron din itong mga baril at mga bank accounts na hindi naideklara at nakapangalan pa sa iba.

Samantala, bukod kay Andaya may 15 opisyal pa ng pamahalaan ang posibleng sampahan ng kaso sa mga susunod na linggo.

Kabilang na dito ang ilang senador na may kaugnayan sa DAP, congressman, mayor at iba pang mga opisyal.

Samantala, pinabulaanan naman ni Andaya ang kaso laban sa kanya.

At iginiit na ito’y bahagi lamang ng demolition job o paninira sa kanya ng mga kalaban nito sa pulitika.

Hinala din nito, ang mga kalaban niya sa politika ang nasa likod ng mga paninira.

Dahil sa balak nitong pagtakbo bilang gobernador sa Camarines Sur.

Tingin din nito, hindi na siya sasampahan pa ng grupo ni Belgica ng kaso sa Ombudsman.

Kung  hindi tatakbo si Belgia bilang provincial governnor.

Sa huli, nanawagan si Andaya kay Belgica na imbestigahan din ang saln ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa ngalan ng “impartially” at ‘fairness” sa isyu.

 

MJ Mondejar

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *