galunggong

Inangkat na galunggong, hindi pa dumarating sa bansa

National News

HANGGANG ngayon ay wala pang dumarating na galunggong sa pamilihang merkado sa bansa.

Ito’y matapos na mag-angkat ang bansa ng aabot sa 17, 000 metric tons na galunggong sa labas ng bansa.

Kinumpirma mismo ni BFAR National Director Eduardo Gongonan na wala pa ring isdang galunggong.

Gayong dalawang buwan nalang ay magtatapos na rin ang palugit sa importasyon nito.

Hinala ngayon ng opisyal, may manipulasyon sa proseso ng importasyon sa nasabing isda.

Agad naman itong titingnan ng kanilang ahensiya para malaman ang dahilan.

Sa pag-aaral ng BFAR, nitong September 3 pa bumaba ang presyo sa kada kilo ng galunggong sa merkado.

Nagkakahalaga ng P100 mula sa napakataas nitong presyo bago ang buwan ng Setyembre na umabot sa P130-P140 kada kilo.

Ang ipinagtataka pa ng BFAR, mas mababa ng kwarenta pesos ang ibinaba ng presyo ng galunggomg sa merkado.

Aniya ay malayo ito sa itinakdang SRP na 120-130 kada kilo.

DZAR1026

1 thought on “Inangkat na galunggong, hindi pa dumarating sa bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *