canada

Pinakamalaking pabrika ng langis sa Canada, sumabog

International News

ISANG malakas na pagsabog na nagdulot ng sunog ang yumanig sa pinakamalaking oil refinery sa Canada noong Lunes.

Ayon sa mga opisyal, apat katao ang isinugod sa ospital para mabigyan ng pangunahing lunas habang walang naiulat na nasawi.

Pinaniniwalaang malfunction sa diesel refining section ang dahilan ng pagsabog.

Bagama’t patuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa insidente.

Ang Irving Oil Refinery ay ang pinakamalaking kompanya ng langis sa Saint John, New Brunswick, Canada.

Kayang magprodyus ng pagbrika ng nasa 320,000 bariles ng langis kada araw.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *