lenggwahe

Pagkamatay ng mga lokal na lenggwahe ng bansa, ikinababahala

National News

ANG Pilipinas ay binubuo ng 113 lenggwahe na ginagamit bilang unang wika ng mga Pilipino.

Pero ayon sa pag-aaral ng Komisyon sa Wikang Filipino, marami pang bilang ng lenggwahe sa bansa ang halos hindi na napapansin.

Kung kaya’t nanganganib na itong mawala sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas.

Kaya naman upang maisalba ito, isang three-day International Conference on Language ang pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ngayong taon.

Layon nitong makakalap ng stratehiya at kapamaraanan kung paano maipipreserba ang mga unang wika lalo na ng mga katutubong Pilipino.

Batay sa datos ng KWF, umaabot sa 35 lenggwahe ang nasa endangered status na kailangang bantayan at muling pagsasabuhay nito.

Sa nasabing komperensiya, isa lang ang probinsiya ng Isabela sa mga lumahok na layon ding buhayin ang matagal na nilang nanganganib ng salita,

Ito ay ang Irraya na nais nilang bigyan ng pansin para sa karagdagang kayamanan ng kanilang kasaysayan.

Imbitado sa nasabing pagtitipon ang ibat-ibang kinatawan mula sa Asya, Europa at Amerika.

Upang magbigay ng kanilang mungkahi sa kung papaano mapapanatiling matatag ang kanilang lenggwahe.

Sa kabila ng pagpasok ng makabagong henerasyon at teknolohiya.

Sa huli, itinuturing itong malaking gabay sa mas maunlad na bansang Pilipinas ang malayang preserbasyon ng mga wika sa bansa.

Layunin din nitong pagbuklurin ang mamamayang Pilipino saan mang dako ng mundo.

 

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *