Rome Statute

Petisyon laban sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute, pinababasura

National News

PINABABASURA ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa Supreme Court ang petisyon kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute.

Kabilang sa naghain ang ilang senador at Philippine Coalition for the International Criminal Court (PCICC).

Sinabi ni Calida na nilabag umano ng mga petitioners ang Doctrine of Hierarchy of Courts.

Iginiit ng SolGen na dapat ay sa lower court muna isinampa ang petisyon at sa huli na lang ang Korte Suprema.

Kinuwestyon ni Calida ang paggamit ng mga petitioners sa Sec. 21 Article 7 ng saligang batas.

Dahil hindi ito tumutugma sa kanilang mga argumento.

Nanindigan si Calida sa nakasaad sa konstitusyon na malinaw na walang nilabag ang Pilipinas.

Kaugnay sa legislative prerogative sa pagkalas nito sa tratado.

Samantala, binigyan ng isang buwan ng Korte Suprema ang mga petitioner para magsumite ng memoranda bago resolbahin ang petisyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *