PDEA agent

Duterte, bumisita sa pamilya ng limang nasawing PDEA agent

National News

PERSONAL na nagtungo at nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng limang PDEA agents na pinatay.

Pinatay ang mga ito sa isang ambush sa Lanao del Sur.

Nakaburol ang kanilang mga labi sa chapel ng 6th Infantry Division Headquarters sa Camp Siongco Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Binigyan ng pangulo ng cash assistance ang pamilya ng mga nasawing PDEA agent.

Kasabay nito, inatasan ng pangulo ang militar, PDEA at pulisya.

Aniya ay tugisin at hulihing buhay man o patay ang mga suspek sa pananambang.

Kinilala ang mga ito na sina Jamel Borar alyas Memekan, Oskar Capal Gandawali, Barangay Kapitan William Omar Gandawali.

Kasama sina Jamal Lolo Amboloto, Mizangkad Panonde Gandawali, Palawan Salem Macalabo,Lala Lolo Amboloto, Aiman Guro Gandawali at dalawang iba pa.

Samantala, binigyang ng pagkilala ni Pang. Duterte ang mga opisyal ng militar at pulis sa Central Mindanao.

Nanguna ang mga ito sa kampanya kontra iligal na droga, terorista at loose firearms.

Ang seremoniya ay ginawa sa pagdalaw ng pangulo sa burol ng limang PDEA agent sa Camp Siongco Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Pinasalamatan ng pangulo ang militar at pulis sa pagsugpo ng kriminalidad sa rehiyon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *