John Lloyd

John Lloyd, sumakay ng pampublikong jeep

Showbiz

PINAGPYESTAHAN ng mga netizens at fans ang viral ngayon na kuha ni John Lloyd Cruz habang nakasakay sa isang pampublikong jeep.

Ayon sa Twitter post ng isang netizen, noong Oktubre 8 ay nakasakay nito si John Lloyd sa jeep.

Aniya ay pa-byaheng UP-Ikot sa Quezon City nang makasabay nito ang aktor.

Sa post ay makikitang tanging naka tshirt, shorts, at tsinelas lamang ang aktor kasama na din ang kanyang shades.

Kapansin pansin din ang maaliwalas na ngiti ng aktor at sinabi ng netizen na siya ay ‘poging pogi’ pa din.

Hindi ito ang unang beses na makita ang aktor sa mga pampublikong lugar.

Simula ng mag desisyon ang aktor na talikuran ang showbiz noong nakaraang taon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *