Cavite

Shabu sa Cavite, umabot na sa P10B

National News Regional

UMABOT na sa P10B ang halaga ng shabu na naipuslit sa isang warehouse sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Ito ang ibinunyag ni PDEA Director Aaron Aquino.

Sinabi ni Aquino na natuklasan nila ang nasabing halaga matapos magsagawa ng re-enacment sa kaso.

Ayon kay Aquino, nadiskubre ito matapos isailalim sa weigh-in ang apat na walang lamang magnetic lifters sa isang container van.

Ikinumpara ang timbang sa apat na magnetic lifters sa nakalagay na gross weight sa bill of lading.

Dahil dito, natuklasan ang difference na 1,600 kilograms o 1.6 tons.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng PDEA ang pagkakasangkot ni PDEA Director General for Administration Ismael Fajardo.

Sangkot ito sa drug matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Aquino, nasa floating status na si Fajardo habang isinasailalim sa lifestyle check.

Hiniling na rin ng PDEA sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng parallel investigation kaugnay sa isyu.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *