taiwan

Taiwan, nagbigay ng P13M sa Ompong victims

National News

NAGBIGAY ng mahigit P13M ang Taiwan para sa mga biktima ng Bagyong Ompong.

Tinanggap ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang ibinigay na tulong pinansyal ng Taiwan.

Ayon ito sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO).

Walang pormal na diplomatic relations ang Pilipinas sa Taiwan sa ilalim ng “One China Policy.”

Napanatili ang relasyon sa self-governed island sa pamamagitan ng MECO sa Taipei.

Una nang nagbigay ng tulong pinansyal sa Pilipinas ang Australia at South Korea para sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong.

 DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *