rollback

Mga kumpanya ng langis, nagpatupad ng rollback

Business National News

MAKARAAN ang siyam na linggong sunod-sunod na oil price hike ay nagpatupad naman ng rollback ang ilang kompanya ng langis.

Kaugnay sa kanilang produktong petrolyo nitong weekend.

Epektibo noong Sabado, P0.80 ang tinapyas ng Phoenix at UniOil Philippines sa presyo ng kada litro ng gasoline.

Habang P0.70 naman sa kada litro ng diesel.

Sinundan naman ito ng Petro Gazz na nagpatupad ng rollback sa kaparehong presyo kahapon, araw ng Linggo.

Samantala, epektibo kaninang 6:00 ng umaga ay nagtapyas naman ang Pilipinas Shell.

Nasa P0.85 sa kada litro ng gasoline ang itinapyas, P0.65 sa diesel at P0.20 sa kada litro ng kerosene.

Inaasahang susunod na rin na magtatapyas ang ilan pang kompanya ng langis.

 

 DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *