Amerika

Amerika, muling nagpaabot ng tulong para sa Marawi

Regional

SA susunod na tatlong taon ay mag-aabot ng karagdagang 1.35 bilyong pisong tulong ang Amerika para sa rehabilitasyon ng Marawi.

Kasabay nito, inanunsiyo ni US Ambassador Sung Kim kahapon sa pagbisita nito sa Marawi ang “Marawi Response Project.”

Ang “Marawi Response Project” ay sa ilalim ng US Agency for International Development.

Layunin nitong pagbutihin ang kalagayan at ekonomiya ng mga residente ng Marawi.

Inanunsiyo ni US Ambassador Sung Kim ang nasabing proyekto sa kanyang pagbisita sa Marawi kahapon.

Upang ipagdiwang ang anibersaryo ng pagkakalaya ng syudad mula sa mga terorista.

Aabot naman sa P3.2B ang ipinakong tulong ng nasabing proyekto para sa long-term recovery ng Marawi.

 

 DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *