Drilon

Drilon sa malversation case: political harassment

National News

MALINAW na political harassment ang isinampang malversation case laban kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Kaugnay ito sa umano’y maling paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Drilon, inaasahan nang mangyayari ito dahil nalalapit na ang 2019 midterm elections at panahon ng kampanya.

Nagsampa ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ng 274 counts ng malversation of public funds sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sa sinampahan sina dating Pangulong Noynoy Aquino, Drilon, Senador Antonio Trillanes IV.

Kabilang ang iba pang miyembro ng gabinete ng nakaraang administrasyon.

 

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *