Marc Leishman

Golfer Marc Leishman, lilipad pa Korea para sa PGA Tour

Sports

SA muling pagkakataon ay tatapak ang golfer na si Marc Leishman sa Korea para lumahok sa CJ Cup ng PGA Tour.

Ito ay kasunod ng pagkakasungkit ng player na si Leishman ng kaniyang ikaapat na titulo sa PGA Tour.

Ginanap ito sa Kuala Lumpur noong nakaraang linggo.

Naipanalo ni Leisman ang CIMB Classic nitong linggo sa magilas nitong pagpapakita ng five strokes with 7-under 65.

Lalahok at dedepensa naman sa kaniyang titulo si Justin Thomas na tumalo din kay Leishman noong nakaraang taong sa playoff.

Kasama ding lalahok sa CJ Cup ay sina Adam Scott, Jason Day, Hideki Matsuyama at Ian Poulter.

Sabay-sabay nilang sisimulan ang kanilang 2018-19 Season debuts.

 

JAO GREGORIO

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *