personalidad at politiko

Ilang personalidad at politiko, tumakbo sa local position

Metro Manila

HUMABOL sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy ang ilang mga personalidad at politiko.

Para sa local positions sa 2019 midterm elections.

Kabilang sa mga nagsumite ng kanilang kandidatura para sa pagka-alkalde si dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Makakaharap nito si Manila Mayor re-electionist Joseph Estrada at dating Manila Vice-Mayor Isko Moreno.

Una nang naghain ng kandidatura sa pagkaalkalde ng lungsod si Moreno.

Sa Makati City naman, pormal na rin inihain ni Makati Mayor Abigail Binay ang kanyang kandidatura bilang re-electionist.

Makakaharap naman nito ang kanyang nakababatang kapatid na si dating Makati Mayor Junjun Binay.

Kabilang din sa makakaharap nila ang anak ng dating Makati Mayor Nemesio Yabut na si Ricky Yabut.

Sa San Juan City, nagsumite naman ng kanyang kandidatura para sa pagka- alkalde si dating San Juan City Vice Mayor Francis Zamora.

Makakaharap naman nito ang anak ni dating Senador Jinggoy Estrada na si San Juan City Vice Mayor Janella Estrada.

Nakapaghain na si Janella Estrada ng kandidatura kahapon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *