Satisfaction rating

Satisfaction rating ni VP Robredo, bahagyang tumaas

National News

BAHAGYANG tumaas ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo.

Nangyari ito noong Setyembre sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mula sa plus 32 noong Hunyo ay tumaas ng dalawang puntos.

Nasa plus 34 ang net rating ng bise president noong Setyembre.

Dahil dito, napanatili ni Robredo ang “good” net satisfaction rating nito.

Sa resulta ng survey, 57 percent ng mga respondents ang nasabi na satisfied sila sa performance ni Robredo.

Habang 23 percent naman ang dissatisfied.

Isinagawa ang SWS survey noong Setyembre 15 hanggang 23.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *