netizens

Youtube global outage, binatikos ng netizens

International News

BINATIKOS ng milyong-milyong netizens sa buong mundo ang temporary outage ng top video-sharing website na YouTube kaninang umaga.

Unang naramdaman ang global outage pasado 9:00 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Agad naman itong inireport ng mga netizens sa social media.

Kabilang naman sa mga nakaranas ng  outage ang Pilipinas, U.S., Japan, Malaysia, Indonesia, Australia.

Gayundin ang ilang bansa sa South America at Western Europe.

Humingi naman ng tawad ang support team ng YouTube sa abala at idineklarang maayos na ang serbisyo pasado 10:00 ng umaga.

 

TRISHA MOLINA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *