big time drug pusher

Big time drug pusher, arestado sa Malate

Metro Manila Metro News

ARESTADO ang isang big time drug pusher sa drug buy bust operation ng PDEA Special Enforcement Service sa Malate, Manila.

Aabot sa 500 gramo o katumbas ng kalahating kilo ang nakumpiskang high grade shabu na may halagang P3.4 million.

Ayon kay PDEA SES Regional Director Levi Ortis, kinilala ang suspek na si Salahudin Tokao Kendayo alyas Bato.

Tubong Cotabato sa Mindanao ang suspek at kasalukuyang naninirahan sa Baseco Compound sa Maynila.

Naaresto ang suspek sa ikinasang drug buy bust operation sa Level 6 roof deck parking area ng Robinson’s Place Malate, Manila.

Kasong paglabag ng Section 11 Republic Act 9165 ang kakaharapin ng suspek.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *