personnel

Mahigit 3,000 MMDA personnel ipakakalat sa undas

Metro News National News

MAHIGIT 3, 000 personnel ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang ipakakalat sa nalalapit na undas.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, kabilang sa mga ito ay ang mga traffic enforcer.

Kabilang ang miyembro ng Sidewalk Clearing Operations Group at mga magbabantay sa iba’t ibang sementeryo.

Magsasagawa ng traffic rerouting ang ahensya sa malalaking sementeryo.

Tulad ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery.

Kabilang ang Bagbag Public Cemetery sa Quezon City, Loyola Memorial Park at San Juan Public Cemetery.

Ipatutupad din ng MMDA ang “No Absent, No Dayoff” policy sa Oktubre 27 hanggang 28 at Nobyembre 1 hanggang 2.

Tutulong din ang ahensya sa pag-iinspeksyon sa mga bus at terminal.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa mga probinsya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *