Israeli firm

Pangulong Duterte, nilagdaan ang oil exploration deal sa Israeli firm

National News

PUMASOK sa isang kasunduan ang Pangulong Rodrigo Duterte at Israeli firm upang pahintulutan ito na magsagawa ng oil exploration sa Palawan.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa press briefing sa Malacanang.

“Secretary Cusi attended the ceremonial signing of the Petroleum Service Contract (PSC) for Area 4 (East Palawan Basin) of the Fifth Philippine Energy Contracting Round (PECR5).”

“And the President Rodrigo R. Duterte and Sec. Cusi witnessed, while Mr. Itay Raphael Tabibzada, company president and CEO, signed for Israeli firm,” ani Panelo.

Nagkaroon ng isang programa sa Palasyo sa paglagda ni Pangulong Duterte sa Petroleum Service Contract for Area 4.

Sinaksihan ito ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Si Itay Raphael Tabibzada, president at CEO ng Ratio Petroleum Ltd ang lumagda sa parte naman ng Israel.

Layunin ng paglagda sa kasunduan ang magkaroon ng transparent at competitive na sistema sa paggawad ng service of operating contracts.

Magkakaroon ng oil exploration ang Israeli firm sa Area 4 o ang East Palawan Basin.

May tinataya itong lawak na 416,000 hectares na mayaman sa oil at gas resources.

Ayon naman kay Energy Sec. Cusi na mahalagang mapalakas ng Pilipinas ang ganitong klase ng exploration.

Para magkaroon ng sariling energy resources ang bansa.

Nakadepende pa rin kasi hanggang ngayon ang Pilipinas sa paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

Naniniwala naman ang Malakanyang na magsusulong ng magandang economic relations sa pagitan ng Pilipinas at Israel ang nasabing oil exploration deal.

Magugunitang naging makasaysayan ang pagbisita ni Pang. Duterte sa Israel nitong nakaraang buwan.

Kung saan siya ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na nagkaroon ng pagkakataong mabisita ng Jewish State.

Napaulat na ang Israeli owned company na Ratio Petroleum ay mayroon ding oil expolaration sa ibang bansa maliban sa Pilipinas.

Partikular na sa Guyana, Surinam, Malta at Ireland.

 

Hannah Jane Sancho 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *