pasahero

Ilang pasahero, walang pagtutol sa taas pasahe

Metro Manila Metro News

WALA gaanong pagtutol ang ilang mga pasahero sa pagtaas ng pasahe sa bus at jeepney.

Hindi rin tututulan ng grupo ng mga manggagawa na gawing sampung piso ang minimum na pasahe sa jeep.

Ito ay dahil madadagdagan ang take home pay ng mga tsuper.

Ayon ito kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay.

Aniya, makatutulong ito sa pang-araw araw na pamumuhay ng tsuper at pamilya nito.

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Una nang inanunsyo ng Land Transportation Franchising Regulatory Board o LTFRB na magiging P10 na ang minimum na pasahe.

Sa unang apat na kilometro ito para sa mga pampasaherong jeepney mula sa P9.

Ibinasura naman ng LTFRB ang hirit na dagdag piso sa bawat susunod na kilometro.

Epektibo naman ang naturang fare increase sa NCR, Central at Southern Luzon.

Samantala, ikinalungkot naman ito ng grupong Lawyers for Commuter Safety and Protection.

Ayon sa grupo, na sa mga mananakay pinapasan ang kapalpakan ng pagpatong ng excise tax sa presyo ng mga oil products.

“Nakakalungkot na ang kapalpakan ng pagpatong ng excise tax sa presyo ng petrolyo ay papasanin ng mga mananakay sa pamamagitan ng pagtaas ng pamasahe.”

Ayon ito ni Atty Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for commuter safety and protection.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *