Quezon City

Quezon City Science High School, binulabog ng bomb threat

Metro Manila Metro News

NAANTALA ng mahigit isang oras ang klase sa Quezon City Science High School matapos bulabugin ng bomb threat kaninang umaga.

Ayon sa principal ng paaralan, 7:00 ng umaga nang makakita ang isang estudyante ng isang sulat.

Natagpuan ito sa banyo ng mga babae na nakasaad na may bombang sasabog sa eskwelahan.

Dahil dito, agad tumawag ng bomb squad ang pamunuan ng paaralan at pansamantalang pinalabas ang mga estudyante.

Nagnegatibo naman sa bomba ang paaralan matapos inspeksyunin ng QCPD bomb squad.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *