Abu Sayyaf Group

3 miyembro ng Abu Sayyaf Group, arestado

Regional

ARESTADO ang tatlong miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group sa isinagawang focused military operations sa Patikul, Sulu.

Kinilala ng Western Mindanao Command (Westmincom) ang mga naarestong bandido na sina Gafur Albani Absari, Medzfar Mangabong, at Madjid Mangabong.

Ang operasyon ay pinangunahan ng 5th Scout Ranger Battalion ng Philippine Army.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Sulu Police Provincial Office ang tatlong bandido na nahaharap sa kaukulang kaso.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *