Martial Law sa Mindanao

Pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao, handang pag-aaralan

National News

HANDANG pag-aaralan ang posibleng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, ito ay kung hihilingin daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ekstensyon ng batas militar sa Mindanao.

Matatandaan na dalawang ulit na ang pagpapalawig ng martial law sa buong rehiyon.

Sinabi ni Gatchalian na magkakaroon ng full briefing ang mga senador sa pamamagitan ng isang executive session.

Kung bakit kailangan pang palawigin ang Martial Law declaration sa buong Mindanao.

Sakaling matuloy, ito na ang ikatlong martial law extention.

Matapos aprubahan ito ng Kongreso sa ikalawang pagkakataon noong Disyembre ng nakaraang taon.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *