Tatlong kadete

Tatlong kadete ng PNPA, kinasuhan

National News Regional

KINASUHAN ang tatlong kadete ng Philippine National Police Academy.

Matapos umanong gumawa ng kahalayan sa kanilang underclassmen.

Nahaharap ang tatlo sa kasong kriminal at administratibo.

Sa inisyal na impormasyon, dalawang underclassmen ang nagsumbong sa ginawang kahalayan ng mga kadete noong Oktubre 6.

Isinagawa umano ito sa loob mismo ng Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

Naka-isolate na ang tatlo sa loob ng PNPA habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *