Mga turista

Mga turista, muling pinaalalahanang magpa-book muna bago tumungo sa Boracay

National News Regional

MULING nagpaalala ang Boracay Inter-Agency Task Force sa mga turista na bibisita sa isla sa muling pagbubukas nito sa Oktubre 26.

Pinayuhan ni Environment Undersecretary Jonas Leones ang mga turista na mag-book muna sa mga accredited hotels.

Para hindi magkaproblema pagdating nila sa Boracay.

Sinabi ni Leones na hindi nila papayagan na makapag-operate ang mga establisimiyento na hindi nakasunod sa mga panuntunan ng gobiyerno.

Una nang inihayag ng Department of Tourism na may 115 hotels o kabuuang 5, 000 kuwarto ang pinayagang magbukas.

Sa darating na soft opening ng isla sa ngayong Biyernes.

Kaugnay nito, nagtalaga ang task force ng counter na aasiste sa mga turista na dadating sa Boracay.

Samantala  walang mawawalan ng trabaho sa pagpapalit ng uri ng transportasyon.

Sa muling pagbubukas ng isla ng Boracay.

Ito ang tiniyak ng Department of Transportation (DOTr).

Kasunod ng pagbabawal sa mga habal-habal na bumiyahe sa isla na kalimitan ay naniningil ng mataas na pasahe sa mga turista.

Sinabi ni De Leon na papalitan na ito ng nasa 50 Grab jeepneys at limandaang e-tricycle na magbibigay ng point-to-point service.

Ayon kay De Leon, hindi mawawalan ng trabaho ang mga taga isla.

Sa halip ay madadagdagan pa ito dahil sa kailangan ng bagong drivers para sa mga dyip.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *