Department of Justice

Department of Justice, aalamin kung may standing warrant of arrest vs Guban

National News

MAKIKIPAG-ugnayan ang Department of Justice o DOJ sa National Bureau of Investigation o NBI.

Upang alamin kung may standing warrant of arrest ang NBI laban kay Bureau of Customs (BOC) Intelligence Officer Jimmy Guban.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay Guban.

Dahil sa kaniyang mga testimoniya sa pagdinig sa Kamara kaugnay sa magnetic lifters na natagpuan sa Cavite na wala nang laman.

Iginiit ni Guban na may laman ng shabu ang magnetic lifters gaya ng natagpuan ng BOC.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sakaling walang warrant ay may mga probisyon pa rin umano na nagpapahintulot sa warrantless arrest.

Iginiit ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon na hindi nila maaaring ibigay sa arresting officer si Guban.

Sinabi ni Gordon na mauunawaan ng pangulo kung hindi nila isusuko si Guban para sa kaniyang seguridad.

Si Guban ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Senado upang gawing state witness.

Kaugnay sa pagpupuslit ng mga kontrabando at iligal na droga at kung sino ang mga nasa likod nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *