kulay ng damit

Hindi pang-iiwan sa partido ang pagpapalit ng kulay ng damit – Aquino

National News

NAGING usap-usapan hanggang ngayon ang tila pagkakaiba-iba ng kulay ng damit ng nga tumatakbong pulitiko.

Sa ilalim ito ng iisang partido na Oposisyon Koalisyon na kalaban ng administration party.

Pero may paglilinaw si incumbent Senator Bam Aquino tungkol dito at sinabi nitong walang masama sa pagpapalit ng kulay.

Partikular na ngayong paparating na kampanya para sa 2019 elections.

Giit ni Aquino, bahagi ng demokrasya ang pagpapahayag ng adhikain tuwing tatakbo ang isang politika.

At kasama na rito ang mga kulay tuwing panahon ng kampanya.

Matatandaang solid yellow ang oposisyon noon ngunit tila nagkahiwa-hiwalay ngayon ng kulay ang opposition team.

Ang mahalaga ani Aquino, ay magkakaisa sila ng adhikain na naayon sa kagustuhan ng mamamayan.

Sa huli ay nanindigan ang senador na mananatili siyang oposisyon.

Sa kabila ng pagpapalit ng kulay na black and yellow sa panahon ng kaniyang kampanya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *