Jimmy Guban

Jimmy Guban, mananatili sa Senado hangga’t walang arrest warrant

National News

WALANG balak na i-turn over ng Senado si Jimmy Guban.

Pangunahin itong sangkot sa pagpapalabas ng tone-toneladang illegal drugs sa Bureau of Customs

Ito ang matapang na pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Senator Richard Gordon.

Matapos hilingin ni Pangulong Duterte na hulihin o arestuhin si Guban at ipadala sa Cavite

Giit ni Gordon, nirirespeto nito ang pangulo pero nangangailangan pa aniya siya ng karagdagan na impormasyon.

Kaugnay sa gumugulong na imbestigasyon sa usapin ng pagpupuslit ng P6.8B na shabu shipment sa GMA Cavite.

Kasabay nito ay personal ding hiniling ng senador ang proteksiyon ni Guban.

Pati na ang pamilya nito para sa nakaamba pang pagsisiyasat sa nasabing isyu.

Kaugnay nito, inirekomenda ng komiteng hinahawakan ni Gordon ang pagtanggal sa mga consignee for hire.

Pati ang pagpapalit ng tauhan na sangkot sa naturang isyu.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *