LA Lakers

LA Lakers, nakuha na ang unang panalo

Sports

MULING naiangat ng Los Angeles o LA Lakers ang kanilang bandera.

Sa unang pagkakataon matapos ang tatlong sunod na pagkatalo.

Ito ay pagkaraang nasungkit ng LA Lakers ang kanilang unang panalo sa naging tapatan nila ng Phoenix Suns.

Nagtapos ang mainit na laban ng dalawang koponan sa score na 131-113.

Hindi naman na malaking gulat ang naging pagpapakitang gilas ng bagong lipat na si The King Lerbon James sa Lakers.

Nakapag-ambag ito ng 19 points on 7 of 16 shooting at 10 assists.

Kasama ding nakapagtala ng magandang record sa game ay sina Kyle Kuzma na may 17 points.

Si Josh Hart na naka-iskor ng 15 points at si Lonzo Ball na nagbigay ng 12 points.

Ang pagkapanalo nga ng Lakers ngayong araw ay tila silver lining.

Sa kabila ng tatlo nilang pagkakadapa sa Portland Trailblazers, Houston Rockets at San Antonio Spurs.

Samantala, bigo pa ring makasungkit ng panalo ang dating team ni Lebron na Cleveland Cavaliers.

Sa naging laban nito kontra Brooklyn Nets, muli itong nakatikim ng pagkatalo.

Matapos itong hindi papormahin ng Nets sa iskor na 102 – 86

Sa simula pa lamang ng laro ay naging kontrolado na ito ng nets.

Nanguna naman para sa panalo ng nets si D’Angelo Russell na may 18 points at 8 assist.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *