Mga bagong opisyal

Mga bagong opisyal ng gobyerno, itinalaga ni Duterte

National News

NAGTALAGA ng mga bagong opisyal sa gobyerno si Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinalaga ng pangulo si Presidential Adviser on Peace Process Jesus Dureza bilang Special Envoy of the President to the European Union.

Napili rin ni Pangulong Duterte ang newspaper columnist na si Ramon Tulfo Jr. bilang kanyang Special Envoy for Public Diplomacy to China.

Habang itinalaga nito si PTV News operations head Raquel Tobias bilang Undersecretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Si Dureza at Tulfo ay pawang may anim na buwang termino.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *